Nakipag-selfie si Paris Hilton sa kanyang fans sa Makati. Ang isa niyang tagahanga, napaiyak pa nang makasamang magpa-picture ang American socialite.

Sa “Chika Minute” ng GMA news “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing pinagbigyan ni Paris ang mga fans na makapagpa-picture kasama siya kahit nagkakagulo.

Ang isa niyang tagahanga, naluha nung una pero nagawa pa rin ngumiti nang mag-pose na kasama ni Paris.

Nito lang Martes, itinuring ng TIME magazine ang Makati at Pasig bilang “selfie capital” ng buong mundo.

Ayon naman kay Paris, nag-e-enjoy raw siya sa kanyang pananatili sa Manila.

Source: GMA News Online | March 12, 2014